Pangalawang Kwento:
Pag-asa Mula sa ALS
Sa ALS niya natagpuan ang bagong pag-asa at lakas ng loob upang baguhin ang takbo ng kanyang buhay. Mula sa pagtatrabaho sa bahay-aliwan, pagkakaroon ng magulong relasyon, at kawalan ng tiwala sa sarili, ngayon ay natamo niya ang mapayapang pamumuhay at may sarili na siyang pamilya. Sila ay dalawa lamang sa maraming mag-aaral na piniling hindi sumuko sa gitna ng kahirapan at pagsubok. Isang paalala na sa tamang determinasyon, hindi hadlang ang mga balakid upang makapagtapos at magtagumpay sa buhay.